Sino Ang Magwawagi?

combined vectors courtesy of booleanstringsDotCom and psdgraphicsDotCom

Natapos na rin ang pagtanggap ng mga kalahok para sa dalawa mula sa tatlong Gawad Parangal na inilunsad ng Basic Ecclesial Communities ng Diyosesis ng Novaliches (BEC NOVA) para sa Taon ng mga Parokya Bilang Ugnayan ng mga Sambayanan o Year of the Parish as Communion of Communities (Year of BEC 2017) nitong nakaraang Hulyo 22, 2017.

Ito ay para sa Gawad Mga Mumunting Kwentong BEC (MMKB) at Gawad Himig Bukluran (GHB) na matatandaang mangilang-ulit na pinalitan ang huling araw ng pagtala para hanggang nagsara noong Hunyo 11, 2017 at mangilang ulit ding pinalitan ang huling araw ng pagpapadala ng mismong lahok makalipas nun dahil sa pakiusap ng mga Parokya sa Diyosesis para makasali pa.

Ayon sa listahan ng BEC NOVA na “Gawad Parangal Entries As Of June 23, 2017”, may 26 na Parokya mula sa 10 Bikaryato ang sa kabuuan ay nagpatala para sa tatlong patimpalak para sa Year of BEC 2017, kasama ng Gawad His Excellency Antonio R. Tobias Bukluran / Kawan Leader (HEART Nova). May 18 Parokya para sa MMKB, 13 Parokya para sa GHB, at siyam (9) Parokya para sa HEART Nova ang sumali.

Subalit, ang natanggap lamang na mismong kalahok, ayon kay BEC NOVA Diocesan Animator Karl Comiling noong Hulyo 28, ay mula lamang sa pitong (7) Parokya para sa MMKB at sa siyam (9) na Parokya para sa GHB.

Sa Agosto 8, 2017 na magsisimula ang Phase 1 of Judging ng mga pinadalang awit para sa GHB at sa Agosto 15, 2017 para sa mga pinadalang video para sa MMKB na pagdedesisyunan ng Diocesan BEC Pastoral Team na siyang binubuo nina Joe Mar Maulion, Karl Comiling, Reb. Pad. Tony Dela Cruz, Reb. Pad. Dennis Descallar, Sch.P., at Reb. Pad. Arnel Percival Tayem, OFM.

Ang Phase 2 of Judging naman para sa GHB ay sa darating na Oktubre 14, 2017 na pamumunuan ng Diocesan Liturgical Choir Director Reb. Pad. Jose Peregrino Tomas. Bagamat wala pang petsa ang Phase 2 of Judging para sa MMKB, ang mga nakuhang hukom ay mula sa Diocesan Pastoral Team (DPT) na pamumunuan nina Commission on Family and Life Lay Coordinator Wayne Belizar at Commission on Youth Lay Coordinator Alloy Peralta para tunay na maramdaman ang “Communion of Communities” mismo mula sa Pastoral Office ng Diyosesis.

Ang Phase 3 of Judging para sa dalawang Gawad Parangal ay gaganapin sa Nobyembre 11, 2017 sa Diocesan Culminating Activity For The Year of The Parish As Communion of Communities sa MRB Covered Court, Barangay Commonwealth, Q.C. Magwawagi ang magiging kampyon ng MMKB ng Php20,000 at ng GHB ng Php30,000 sa Phase 3 o Finals.

Inaasahan ang Netizens mula sa Diyosesis ng Novaliches ay makakatulong sa pagpapanalo ng mga naisumiteng video at awit–10% ng Criteria for Judging para sa Phase 3 ng MMKB at 20% Phase 2 ng GHB–sa pamamagitan ng pagboto dito sa Diocesan YouTube Account.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s