Mga Nagwagi Sa Phase 1 Ng GHB Ipinakalat Na Ng BEC Nova

Photo credit:: Carlo Cudal

Noong Agosto 10, 2017, ipinakalat na ng Basic Ecclesial Communities ng Diyosesis ng Novaliches (BEC Nova) ang mga nagwagi sa unang bahagi ng paghusga sa mga sumali sa Gawad Himig Bukluran (GHB) sa naganap na buwanang Clergy Meeting sa malapit nang magbukas na Bahay Pari sa Sacred Heart Village ng Lagro, QC.

Noong nakaraang Agosto 8, 2017 sa Conference Room ng Chancery Office ng Diyosesis ginanap ang paghusga sa siyam na mga entries na pinangunahan ng Diocesan Pastoral Team ng BEC Nova na ang mga miyembro ay sina Rev. Fr. Tony Dela Cruz, Rev. Fr. Dennis Descalar, Rev. Fr. Arnel Percival Tayem, Karl Comiling, Joe Mar Maulion, at Eve Diocson.

Mula sa siyam na sumali, ang anim na nanalo para sa Phase 1 ay ang mga sumusunod: Sacred Heart Parish para sa kantang, “Bukluran”; Saint Francis Xavier Parish para sa kantang, “Sambayanang Tinawag, Sambayanan ng mga Alagad”; Saint Joseph The Worker Parish, Barracks para sa kantang, “Bayang Binuklod ng Pag-ibig Mo”; Holy Spirit Parish, Pangarap para sa kantang, “Halina”; Our Lady of Consolation Parish para sa kantang, “Sasama Ka Ba?”; at ang Christ The King Parish, Filinvest 2 para sa kantang, “Himig ng Pag-ibig (Kawang Nagkakaisa)”.

Inaasahang ang mga napiling nabanggit ang siyang uusad sa ikalawang bahagi ng paghuhusga na magbabatay naman sa Music Television Video (MTV) na bersyon ng mga kantang nanalo. Ang nasasabing MTV ay iuupload sa YouTube Channel ng Diyosesis at bahagi ng mga boto nito ay magbibigay timbang sa paghusga dito.

Ayon sa mechanics o paluntunan sa paghusga ng mga mananalo para sa Phase 2 ng nasabing kompetisyon ay ang mga sumusunod:

  • Originality and creativity (applied song writing style, technique, skill, MTV story plot) = 40%
  • Lyrics (effectiveness, message, appropriateness to the theme) = 30%
  • Melody (recall, strength, etc.) = 10%
  • Overall appeal (suitable for recording and as a commercial evangelical material, most number of shares in YouTube) = 20%
    TOTAL = 100%

Binibigyan hanggang Oktubre 10, 2017 ang anim na nanalo sa Phase 1 upang isumite ang kanilang mga MTV sapagkat sa Oktubre 14, 2017 naman gaganapin ang paghusga sa mga ito para sa Phase 2.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s