Dilawan?! Pulahan?! Alin Ba Dapat Ang Panindigan?!

Marahil yan ang katanungan ng iilang wala pang nabibiling t-shirt para sa paparating nang Diocesan Culminating Activity ng Year of the Parish As Communion of Community sa Diyosesis ng Novaliches na gaganapin sa Nobyembre.

Ayon kay Joe Mar Maulion, Lay Coordinator ng Basic Ecclesial Communities ng Diyosesis ng Novaliches (BEC NOVA), nagmamadali ngayon ang ibang mga parokya na magkaroon ng mga nasabing damit.

“Yung mga dating ayaw sa BEC, ngayon sila nagkukumahog magkaroon ng t-shirt ng BEC,” ani niya sa isang panayam na naganap noong Setyembre 5, 2017. Ito ay patunay, ika niya, na naisakatuparan ang isa sa kanilang adhikain sa pagkakaroon ng nasabing t-shirts.

Ipinaliwanig niya na minarapat ng BEC Diocesan Pastoral Team na magkaroon ang Culminating Activity ng “color-coding” sa damit para sa dalawang kadahilanan: “promotion” at “security”.

“One way of awareness din sa mga tao,” sabi niya, “Identification ng kanilang distrito. Kasi gusto nating maging aware yung mga tao sa pagkakahati-hati…ayon sa district.”

Ang mga nasabing distrito ay ang Quirino-Tandang Sora, Commonwealth, at Caloocan. Ibigsabihin ng “District” ay hinati ang mga parokya ng Diyosesis at binungkos ayon sa isang dominanteng lugar kung saan napapaloob ito.

Kung kaya’t ang mga parokyang sumasailalim ng Quezon City ay hinati sa dalawang Distrito–ang mga dinaraanan ng Quirino Avenue hanggang Tandang Sora Avenue ay napapaloob sa Quirino-Tandang Sora District at ang mga malapit sa Commonwealth Avenue ay napapaloob sa Commonwealth District. Samantala, lahat ng parokya sa Caloocan City na bahagi ng Diyosesis ay binungkos sa Caloocan District.

Ang kakulangan ng kaalaman ng mga parokyano sa kung saang bikaryato sila napapasama at sa pagkakakilanlan ng mga parokya na kasama nila sa isang lugar ang pinakanagbunsod sa BEC Pastoral Team na magkaroon ng awareness drive sa pamamagitan ng mga tshirts.

Red o Pula ang damit ng mga parokyanong napapaloob sa Quirino-Tandang Sora District. Samantalang Yellow o Dilaw para sa Commonwealth District at Green o Luntian naman para sa Caloocan District. Ang ibang kulay ng damit ay para sa miyembro ng Komite gaya ng mga marshals at coordinators.

Bukod dito, binigyan din ni Maulion ng diin ang kahalagahan matugunan ang security para sa darating na Culminating Activity.

“For security purposes, para mas madali ang marshaling. Kasi yung venue ay hindi naman natin territory,” bunsod niya, “Para yung mga marshals at coordinators madali nilang ma-identify yung mga tao.”

Dahil ang venue ay sa MRB Covered Court ng Barangay Commonwealth na kilalang teritoryo ng mga Iglesia Ni Cristo (INC), kinakailangang maging maingat sa pagsasagawa ng Culminating Activity lalo pa’t inaasahan nitong maglikom ng mahigit sa isang libong katao.
Dahil dito gumawa na rin sila ng Location Map kung saan inilalarawan ang pagsaayos ng mga dadalo mula sa 69 na Parokya ng Diyosesis ayon sa kanilang bikaryato. Kaya naman sa mapa ay naihati na ang venue sa 12 bahagi na tumutugon sa 12 Bikaryato ng Diyosesis ng Novaliches. Malinaw din nitong pinapakita ang lugar para sa mga Guests, Food, Medical, at Registration, pati na ang Stage at mga Entrance at Exit sa lugar.

Ayon sa kanilang pinaskil na larawan sa kanilang FB Page, ang mga araw sa pagorder ng damit ay kada Lingo hanggang Huwebes upang matanggap ang inorder sa susunod na Biyernes hanggang Sabado. Sa mga BEC Animator at Coordinator ng bawat parokya naman nito isinasaad na dapat mag-order ng t-shirt na nagkakahalaga ng Php150 para sa iba’t-ibang sukat ng damit, pwera lamang sa 3XL na naghahalaga ng Php200.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s