Pagpapalaganap ng Mga Mumunting Kwentong BEC Inumpisahan Na

Inumpisahan na ng Social Communications and Media Ministry ng Diyosesis ng Novaliches (SocComm Nova) ang pagpapalaganap ng mga “teasers” ng mga Mumunting Kwentong BEC / Bukluran (MMKB) Phase 1 Winning Entries sa pamamagitan ng Facebook (FB) Page ng Diyosesis.

Ang pagpapalaganap na ito ay alinsunod sa kasunduan ng SocComm Nova at ng Basic Ecclesial Communities ng Diyosesis ng Novaliches (BEC Nova) para sa Taon ng mga Parokya Bilang Ugnayan ng mga Sambayanan na kung saan inilunsad nila ang tatlong Gawad, isa na dito ang Gawad Mumunting Kwentong BEC / Bukluran (MMKB).

Sa 10 video entries na natanggap ng BEC Nova noong Hulyo 22, 2017, anim (6) dito ang lumabas na nagwagi noong Phase 1 Judging na ginanap sa Chancery Office noong Agosto 8, 2017 na pinamunuan ng BEC Nova Diocesan Pastoral Team na binubuo nina Karl Comiling, Joe Mar Maulion, Eve Diocson, Reb. Pad. Antonio Dela Cruz, Reb. Pad. Dennis Descallar, at Reb. Pad. Arnel Percival Tayem.

Ang anim na video entries ay ang: “Kwentong BEC” ng San Isidro Labrador-Bagong Silangan, “Buklod” ng Holy Trinity Parish, “Santo Nino de Congreso” ng Sto. Nino De Congreso Parish, “MMKB” ng Ascension of Our Lord Parish, “MMKB” ng Mother of the Redeemer Parish, at “Pamayanan” ng Mabuting Pastol Parish.

Inaasahang ang mga video teasers na lalabas sa FB Page ng Diyosesis mula Setyembre 18-30, 2017 ay magpapalaganap ng kaalaman ukol sa mga nagwaging video entries para maging madali na sa mga taong bumoto sa kanilang napupusuang video na magwagi sa Phase 2 Judging na magsisimula online sa YouTube Channel ng Diyosesis sa Oktubre 1-30, 2017.

Dalawa ng sangay ng paghusga para sa tatlong magwawagi sa November 11, 2017. Ang unang sangay dito ay sa pamamagitan ng mga tugon ng tao sa mga video entries batay sa online voting at ang pangalawang sangay ay sa pamamagitan ng desisyon ng mga napiling hurado na binibigyan din ng isang buwan (Oktubre 1-30, 2017) upang pagdesisyunan kung alin sa anim na video entries ang magiging pinakapanalo bilang First Prize, Second Prize, at Third Prize.

Isa sa mga nasabing miyembro ng napiling hurado ay si G. Wayne Belizar ng Commission on Family and Life ng Diyosesis ng Novaliches (FLC Nova). Ang pagimbita kay G. Belizar ay bilang pagkatawan sa Diocesan Pastoral Team na siya namang sumisimbolo sa pagiging “Communion of Communities” ng magiging resulta ng nasabing Gawad MMKB.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s