Buklod Na Nga Kaya?

Matapos ng isang lingo nang inumpisahan ang Online Voting para sa Phase 2 Judging ng Gawad Mga Mumunting Kwentong BEC / Bukluran (MMKB) sa YouTube Channel ng Diyosesis ng Novaliches, makikitang nangunguna ang “Buklod” na nagtala ng 114 votes o likes sa ngayon, Oktubre 6, 2017.

Ang nasabing video ay winning entry ng Holy Trinity Parish para sa Phase 1 Judging ng MMKB na sumasailalim sa pagpatnubay ni Reb. Pad. Jaime Lara bilang Kura Paroko. Mapupuna rin na ang nasabing video sa YouTube ang may pinakamaraming kumento na nagpapakita ng pagkagalak ng mga tao sa pagsasapelikula sa kwento ng buhay ni Nerissa Labayo.

Ito ay bagamat pangalawa lamang sa may pinakamaraming beses na pinanood sa YouTube–639 views–kung ikukumpara sa “Kwentong BEC” na Phase 1 winning entry ng San Isidro Labrador Parish ng Bagong Silangan, Q.C. na may 888 views. Pangatlo naman ang “Bukluran” ng Sto. Nino De Congreso Parish na may 548 views, kasunod ang “MMKB 1” ng Mother of the Redeemer Parish na may 333 views, ang “Pamayanan” ng Mabuting Pastol Parish na may 206 views, at pinakahuli naman ang “MMKB 2” na may 181 views.

Sa votes naman, 100 ang sa “Kwentong BEC” na sinusundan ng “Bukluran” na may 90 votes, ng “MMKB 2” na may 28 votes, ng “Pamayanan” na may 12 votes, at ng “MMKB 1” na may 8 votes.

This slideshow requires JavaScript.

Dahil ang Online Voting ay tatakbo ng isang buwan hanggang Oktubre 31, marami pang maaring magbago sa  talaan ng nasabing kompetisyon. Kung kaya patuloy na nagaanyaya ang Basic Ecclesial Communities ng Diyosesis ng Novaliches (BEC Nova) sa tulong ng Social Communications and Media Ministry ng Diyosesis ng Novaliches (SocComm Nova) sa mga Mananampalataya mula sa 69 na parokya ng Diyosesis na iboto ang kanilang napupusuang video.

Ang mga nais bumuto ay kinakailangan lamang gumawa ng account sa YouTube at i-like ang video na pinakamahusay ang pagkakagawa base sa MMKB Mechanics. Ngunit kung may Google email address ka na ay hindi na kinakailangan pang gumawa ng YouTube account–dapat lang mag-login sa Gmail account para makaboto.

Inilunsad para sa Taon ng mga Parokya Bilang Ugnayan ng mga Sambayanan, ang Gawad Mga Mumunting Kwentong BEC / Bukluran (MMKB) ay naglalayong maipalabas ang mga makukulay na kwento mula sa mga laylayan ng pamayanan.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s