#GHB: Lima Na Lang!

Limang Music Television (MTV) entries na lamang ang natanggap ng opisina ng Basic Ecclesial Communities ng Diyosesis ng Novaliches (BEC Nova) nung nagsara ito noong nakaraang Oktubre 11, 2017 para sa mga nanalo ng Gawad Himig Bukluran (GHB) Phase 1 Judging na papasok sa Phase 2 Judging.

Mula sa anim na awitin, naisumite ng mga sumusunod na Parokya ang MTV ng kanilang GHB Entry para sa Phase 2 Judging: Sacred Heart para sa “Bukluran”; Holy Spirit ng Pangarap Village para sa “Halina”; St. Joseph The Worker Parish ng Barracks, Tala para sa “Bayang Binuklod Ng Pag-Ibig Mo”; Our Lady of Consolation para sa “Sasama Ka Ba”; at ang Christ The King ng Filinvest 2, Batasan Hills para sa “Himig Ng Pag-ibig (Kawang Nagkakaisa)”.

Ang St. Francis Xavier ParishLimaNaLang ang tanging hindi nakapagsumite ng entry para sa kanilang “Sambayanang Tinawag, Sambayanan Ng Mga Alagad” upang makapasok sa Phase 2 Judging ng GHB. Ito ay bagamat nagpalugit pa ng isang araw mula sa tinakdang huling araw ng pagsumite ng mga MTV ang BEC Nova na dapat ay noong Oktubre 10, 2017.

Samantala, ang mga nasabing MTV ay ipapangalap ng isang lingo sa Facebook ng Diyosesis ng Novaliches bago magsimula ang online voting dito ng Publiko at ng mga tinakdang hurado ng GHB. Sa Oktubre 18, 2017 sisimulan ang onlilne voting sa YouTube Channel ng Diyosesis ng Novaliches.

Ayon sa GHB Revised Mechanics, ang mga isinumiteng MTV na inupload sa YouTube Channel ng Diyosesis ay huhusgahan ayon sa dami ng “shares” at “likes” nito. Ang online voting ay huhusgahan ng mga tinakdang hurado ayon sa “Originality and creativity” (40%), “Lyrics” (30%), “Melody” (10%), at “Overall appeal” (20%).

Ang lalabas na grado para sa nasabing MTV mula sa mga tinakdang hurado ng GHB ay idadagdag sa kabuuang grado ng isang entry o kanta na aawitin ng “live” ng choir na nasa MTV sa darating na “Diocesan Culminating Activity” ngayong Nobyembre 11, 2017.

Para naman sa Criteria for Judging ng Live Performance ng GHB Entries sa Diocesan Culminating Activity, ito ay matatagpuan din sa GHB Revised Mechanics na nakapaskil dito sa Blog Site ng BEC Nova para sa Year of the Parish As Communion of Communities.

Ang paggawa ng MTV para sa mga entry ay naglalayong ipalaganap ang kaalaman ukol sa kanta na kinatawan nito dahil inaasam ng GHB na magkaroon ng isang theme song ng BEC Nova na kumakatwan sa kabuuang kahulugan ng mga BEC sa Diyosesis.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s