Angat Ka Ba Sa Iba?

Sa ikaapat na lingo ng online voting para sa Gawad Mga Mumunting Kwentong BEC / Bukluran (MMKB) at sa unang lingo ng online voting para Gawad Himig Bukluran (GHB) MTVs, angat na sa iba ang mga Phase 1 Judging entries na Buklod at na Himig Ng Pag-ibig Kawang Nagkakaisa para sa mga nasabing patimpalak ayon sa antas nito sa Diocesan YouTube Channel nitong Oktubre 26, 2017.

Nangunguna ang Buklod na may 361 votes o dami ng bilang ng Likes sa Diocesan YouTube Channel para sa MMKB. Ito ay sinusundan naman ng Kwentong BEC na may 315 votes o Likes, Bukluran (MMKB Entry) na may 101 votes, MMKB (1) na may 31 votes, Pamayanan na may 26 votes, at MMKB (2) na may 9 na votes. Ayon sa Revised Mechanics ng MMKB, ang online voting ay lumalabas na 30% ng kabuuang antas ng isang entry sa pagiging pagkapanalo nito. Ang 70% ay manggagaling sa desisyon ng mga Judges o Huradong napili para sa MMKB.

GAWAD MGA MUMUNTING KWENTONG BEC/BUKLURAN (MMKB)
ONLINE VOTING TALLY AS OF 10-26-17

Entry

# Of Views

# Of Likes

# Of Shares

# Of Votes (Likes)

Buklod 1,493 361 43

361

Bukluran 754 101 32

101

Kwentong BEC 2,192 315 123

315

MMKB (1) 482 31 12

31

Pamayanan 404 26 15

26

MMKB (2) 241 9 3

9

Samantala, nangunguna naman ang Himig Ng Pag-ibig Kawang Nagkakaisa na may 403 votes o dami ng bilang at pagbahagi sa Diocesan YouTube Channel na naaayon sa Revised Mechanics ng GHB para sa mga MTVs. Sinusundan naman ng Bayang Binuklod Ng Pag-ibig Mo ang hanay sa dami ng votes na nagtala ng 348 votes, ang Sasama Ka Ba na may 316 votes, Halina na may 104 votes, at Bukluran (GHB Entry) na may 5 votes.

Hindi gaya ng MMKB, ang antas ng pagkapanalo ng GHB ay base sa pagkahusga sa ng ginawang MTV ng kantang isinumite ng parokya para sa nasabing patimpalak at ng pagkakanta nito o live performance ng choir ng parokya sa gaganapin na Diocesan Culminating Activity for the Year of the Parish as Communion of Communities sa darating na Nobyembre 11, 2017. Bukod pa dito, magdedesisyon din ang mga napiling hurado para sa GHB para sa mg MTV at para sa live performance batay sa magkahiwalay na Criteria ayon sa Revised GHB Mechanics.

Ang mga naging desisyon ng nasabing hurado para sa MTV at live performance ay isasama naman sa naging desisyon ng Netizens sa MTV ng mga entries para sa GHB para makarating sa pinal na desisyon kung sino ang magwawagi dito.

GAWAD HIMIG BUKLURAN (GHB) MTVS
ONLINE VOTING TALLY AS OF 10-26-17

Entry

# Of Views

# Of Likes

# Of Shares

# Of Votes
(Likes + Shares)*

Bayang Binuklod Ng Pag-ibig Mo 1,504 254 94

348

Bukluran 183 2 3

5

Halina 658 72 32

104

Himig Ng Pag-ibig Kawang Nagkakaisa 1,602 309 94

403

Sasama Ka Ba 1,160 244 72

316

*as per Revised GHB Mechanics

Inaanyayahan ang lahat–lalung-lalo na ang mga parokyang may sinumiteng entry para sa GHB at MMKB–na magpatuloy sa pagsali sa online voting ng mga entries dahil may sapat pa namang panahon para tumaas pa ang mga antas ng mga ito. Ang GHB MTVs ay may 16 na araw pa bago magtapos ang pagboto o hanggang Nobyembre 10, 2017. Ang MMKB naman ay may 6 na araw pa bago magtapos ang pagboto dito o hanggang Oktubre 31, 2017.

Ang Gawad Himig Bukluran at ang Gawad Mga Mumunting Kwentong BEC / Bukluran ay dalawa sa talong patimpalak na inilunsad ng Basic Ecclesial Communities ng Diyosesis ng Novaliches (BEC Nova) katulong ng Social Communications and Media Ministry (SocComm Nova) para sa Year of the Parish as Communion of Communities o Year of BEC. Nilalayon ng mga nasabing mga patimpalak na mapalawig at mapatatag ang BEC sa Diyosesis ng Novaliches bukod sa ipakita ang natatanging talento ng mga kabahagi nito.

This slideshow requires JavaScript.

(To view larger scale of image, mouse over image then right click. Choose “Open image in new Tab”.)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s