#MMKB: Pera O Bayong?!!!

Photo credit: Google.Com

Nagsara ang pagboto ng mga Netizens at ng mga hurado para sa Gawad Mga Mumunting Kwentong BEC / Bukluran (MMKB) Phase 2 Judging nitong nitong Oktubre 31, 2017.

Ang dalawang antas ng pagboto na naganap ay para sa mga naisumiteng entries na matatagpuan sa YouTube Channel ng Diyosesis ng Novaliches. Ito ang Kwentong BEC ng San Isidro Labrador Parish, Bagong Silangan; ang Bukluran ng Sto. Nino De Congreso Parish; ang Buklod ng Holy Trinity Parish; ang MMKB (1) ng Mother of the Redeemer Parish; ang MMKB (2) ng Ascension of Our Lord Parish; at ang Pamayanan ng Mabuting Pastol Parish.

Ang nabanggit na anim (6) na entries ang nanalo para sa Phase 1 Judging ng MMKB mula sa 10 entries na natanggap ng opisina ng Basic Ecclesial Communities ng Diyosesis ng Novaliches (BEC Nova) na siya namang padala ng siyam (9) na parokya ng Diyosesis. Ang mga parokyang natanggal ang entry matapos ng Phase 1 Judging ay ang: Saint Francis Xavier Parish, Sacred Heart Parish, at Kristong Hari Parish.

Sakop sa Phase 2 Judging o pinakahuling proseso ng paglilitis para sa MMKB ang naganap na online voting at pagdesisyon ng mga piling hurado nito.

Batay sa resulta ng online voting na nagtapos noong Oktubre 31, 2017* nangunguna ang Kwentong BEC na may 401 votes o likes na sinusundan ng Buklod na may 363 votes o likes at ng Bukluran (MMKB Entry) na may 114 votes o likes. Sobrang laki ng diprensya ng mga botong ito sa mga sumunod pang entries: MMKB (1) na may 31 votes, Pamayanan na may 27 votes, at MMKB (2) na may 10 votes. (Para sa talaan ng mga boto, makikita ang Google Analytics sa dulo ng artikulong ito. Ang Google Analytics ay paguulat mula sa Google.Com batay sa naging transaktion ng mga bumisita at nag-interak sa mga nakaupload na videos sa YouTube Channel ng Diyosesis. Ito ay “system-generated” kung kaya’t walang maaaring magmaniobra o magbago sa aktwal na resultang lumabas.)

Ang mga resultang ito, na kumakatawan sa 30% ng kabuaang antas ng isang entry, ay isasama ngayon sa desisyon ng mga hurado para sa nasabing entries.

 

GAWAD MGA MUMUNTING KWENTONG BEC/BUKLURAN (MMKB)
ONLINE VOTING TALLY AS OF 10-26-17

Entry

# Of Views

# Of Likes

# Of Shares

# Of Votes (Likes)

Buklod 1,493 361 43

361

Bukluran 754 101 32

101

Kwentong BEC 2,192 315 123

315

MMKB (1) 482 31 12

31

Pamayanan 404 26 15

26

MMKB (2) 241 9 3

9

GAWAD MGA MUMUNTING KWENTONG BEC/BUKLURAN (MMKB)
ONLINE VOTING TALLY FOR PERIOD ENDED 10-31-17

Entry

# Of Views

# Of Likes

# Of Shares

# Of Votes (Likes)

Buklod

1,792

363

44

363

Bukluran

846

114

52

114

Kwentong BEC

2,745

401

153

401

MMKB (1)

486

31

13

31

Pamayanan

415

27

15

27

MMKB (2)

243

10

3

10

Tatlo ang napiling hurado para sa MMKB: isang miyembro ng Diocesan Pastoral Commission para magpatunay sa “Communion of Communities” na meron sa Diyosesis ng Novaliches, isang miyembro ng kaparian na may “expertise” sa industriya ng Komunikasyon o Media, at isang tanyag na personalidad mula sa mundo ng Showbusiness.

Ang batayang ito ay ayon sa nais makamit ng paglunsad ng Gawad Mga Mumunting Kwentong BEC / Bukluran na maipalabas mula sa laylayan ng mga komunidad ang natatanging kwento ng pagbabago na dulot ng BEC sa parokya, komunidad, o isang tao.

Kung kaya’t ang mga napiling hurado para MMKB ay sina Ginoong Alloy Peralta na Lay Coordinator ng Commission on Youth ng Diyosesis ng Novaliches (COY Nova), Reb. Pad. Joselito Jopson na Secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Ecclesial Commission on Social Communications (CBCP ECSC), at si Direk Celso De Guzman na naging producer ng mga tanyag na pelikula sa bansa.

Bagaman naisumite na ng mga hurado ang kanilang mga desisyon, malalaman pa lamang sa Nobyembre 11, 2017 sa Diocesan Culminating Activity for the Year of the Parish as Communion of Communities ang opisyal na resulta ng naging Phase 2 Judging at ang mga nagwagi dito.

Samantala, nagpasalamat naman ang isa sa hurado sa pagiging bahagi ng patimpalak at nagayak sa kalidad sa ibang entries na pwede na maihahalintulad sa yari sa industriya ng pelikula.

“Thank you for the opportunity to be part of this event. I enjoyed watching the clips,” ani ni Peralta.

Ang desisyon ng mga hurado ay batay sa Criteria ng Revised MMKB Mechanics: 20% plot / coherent storyline, 30% creativity of presentation, at 50% movie quality (cinema effects, etc.). Ito ay 70% ng kabuuang katayuan ng isang entry.

Maguuwi ng Php20,000.00 ang magwawagi ng First Prize, ng Php15,000.00 ang Second Prize, at ng
Php10,000.00 ang Third Prize. Sino kaya sa anim na nanalo sa Phase 1 Judging ang maguuwi ng pera…o bayong sa katapusan ng Gawad MMKB? Abangan!

 

This slideshow requires JavaScript.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s