Diocesan Culminating Activity: Bukas na!

Bukas na ang matagal nang pinagkakaabalahang Diocesan Culminating Activity for the Year of the Parish as Communion of Communities ng Basic Ecclesial Communities ng Diyosesis ng Novaliches (BEC Nova) na gaganapin sa MRB Covered Court sa Barangay Commonwealth, Q.C. simula ng 730NU ng Nobyembre 11, 2017.

Ayon kay Diocesan BEC Lay Coordinator Joe Mar Maulion na handa na ang kanilang grupo para sa malawakang pagsasara ng mga programang ininlunsad nila para sa nasabing Taon.

Ani niya, kahapon ay nagkaroon pa nga ng pagpupulong ang BEC Nova kasama ang mga kinatawan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Malacanang para sa seguridad at kaayusan ng nasabing kaganapan na inaasahang maglilikom ng 5,000 katao mula sa 69 na parokya ng Diyosesis. Ito ay dala na rin ng tinaas na antas na seguridad sa buong bansa dahil sa pagdaraos ng Asean Conference simula sa lunes, Nobyembre 13, 2017, kung kaya’t dineklarang walang pasok sa pampribado at pampublikong establisamento.

May inaasahan ding 100 miyembro ng Kabalikat Charity Civic Communicators ang tutulong sa pagalaga ng seguridad at katahimikan sa araw na ito salamat sa isang miyembro ng Social Communications and Media Ministry (SocComm Nova) ng Diyosesis ng Novaliches, na siya namang kabalikat ng BEC Nova para sa mga Awards na inilunsad nito para sa Taon.

Bukod doon, dagdag naman ni Maulion, kanina namang umaga ginanap ang Coordinating Meeting sa mga Parokya at Bikaryato samantalang mamayang hapon naman idaraos ang Dress Rehearsal para sa programa bukas.

“Ang maganda,” sabi niya, “very positive preparations ang preparations sa mga parish.”

Inaasahan na ang bawat parokya ay maghahanda sa napakamakasaysayang kaganapang ito sa Diyosesis ng Novaliches dahil na rin ang bawat isa at bawat Bikaryatong kinabibilangan ay inatasan ng kanya-kanyang tungkulin para sa Culminating Activity.

Kasama sa paghahanda na ito ang magiging live performance ng limang parokyong naideklerang panalo para sa Gawad Himig Bukluran (GHB) Phase 1 Judging upang malaman ang mga magwawagi ng First Prize, Second Prize, at Third Prize sa kabuuang patimpalak. Meron ding paghahanda ang ibang parokya para sa “animation” na bahagi ng programa.

Bahagi ng programa ang talk nina Reb. Pad. Marlou Lemaire sa “Stewardship and BEC” at ni Reb. Pad. Antonio E. Labiao, Jr. sa “AKAP”. Pinakamahalagang bahagi nito ang Awarding Ceremony ng mga mananalo sa nilunsad na GHB, Gawad Mga Mumunting Kwentong BEC / Bukluran (MMKB), at Gawad His Excellency Antonio R. Tobias, D.D. (HEARTNova).

Mapapanood ng Live sa FB ang kaganapan sa Diocesan Culminating Activity para sa mga hindi makakadalo. Magkakaroon din ng mga Live Reports o “Highlights” ang SocComm Nova na siyang opisyal na Media Coverage Partner ng Diocesan Culminating Activity.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s