INLPV Hinakot ang MMKB at GHB Awards

Hinakot ng Ina Ng Lupang Pangako Vicariate ang dalawa sa tatlong gawad na inilunsad ng Basic Ecclesial Communities ng Diyosesis ng Novaliches (BEC Nova) sa kagaganap pa lamang na Diocesan Culminating Activity for the Year of the Parish as Communion of Communities sa MRB Covered Court ng Barangay Commonwealth, Q.C. nitong Nobyembre 11, 2017.

Nanalo bilang First Prize ang San Isidro Labrador Parish-Bagong Silangan (SILP) para sa Gawad Mga Mumunting Kwentong BEC (MMKB) para sa kanilang entry na “Kwentong BEC” at ang Christ The King Parish-Filinvest 2 (CTKP) para sa Gawad Himig Bukluran (GHB) para sa kanilang entry na “Himig Ng Pagibig, Kawang Nagkakaisa” na pinahayag sa huling bahagi ng nasabing kaganapan na dinaluhan ng halos 5,000-katao mula sa 69 na parokya ng Diyosesis ng Novaliches.

Walang tigil sa pagtili at pagtalon sa tuwa ang mga parokyano ng mga nagwaging parokya, lalo na ang mga kasali sa mismong entry ng MMKB at GHB ng SILP at CTKP. Gayun din naman ang naging saya ng mga nanalo para sa Second Prize ng MMKB na napunta sa Holy Trinity Parish para sa kanilang entry na “Buklod” at ng GHB na napunta sa St. Joseph The Worker Parish-Barracks para sa kanilang entry na “Bayang Binuklod ng Pagibig”.

23555186_10155803841362145_2141970592_o
Napuno ng sobrang saya ang mga taga Ina Ng Lupang Pangako Vicariate sa pagkapanalo ng Christ The King Parish-Filinvest sa Gawad Himig Bukluran at ng San Isidro Labrador Parish-Bagong Silangan sa Gawad Mga Mumunting Kwentong BEC na ipinahayag sa Diocesan Culminating Activity for the Year of the Parish as Communion of Communities na ginanap sa MRB Covered Court, Commonwealth, QC nitong Nobyembre 11, 2017.
(Larawan ni: Lulu Nario)

Samantala, nagwagi naman ng Third Prize ng MMKB ang Sto. Nino De Congreso Parish para sa “Bukluran (MMKB Entry)” at ng GHB ang Our Lady of Consolation Parish para sa kanilang entry na “Sasama Ka Ba”.

Tumanggap ng Php20,000 ang nanalo sa First Prize ng MMKB at ng Php30,00 ang nanalo ng First Prize sa GHB. Para naman sa Second Prize tumanggap ng Php15,000 para sa MMKB at ng Php20,000 para sa GHB. Ang mga nanalo ng Third Prize sa MMKB at GHB naman ay naguwi ng Php10,000.

Agaran namang deklaradong panalo si Reb. Pad. Ambrosio Nonato Legaspi, Kura Paroko ng CTKP at lumikha ng “Himig Ng Pagibig Kawang Nagkakaisa”, para sa Best Musical Song Writer / Composer dahil nanalo ang CTKP bilang First Prize Winner para sa GHB. Siya ay tumanggap ng Php3,000.

Nanguna si Reb. Pad. Antonio Dela Cruz, Director ng BEC Nova, sa pagbigay ng tropeo sa mga nanalo sa GHB at MMKB. Kasama niyang nagbigay ng parangal ang mga naging hurado para sa patimpalak na nakadalo sa Diocesan Culminating Activity na sina Direk Celso De Guzman, kilalang prodyuser at direktor ng mga pelikula, at G. Wayne Belizar, na Lay Coordinator ng Commission on Family and Life.

Naupo bilang hurado ng GHB para sa MTV entries at Live Performance sina De Guzman at Belizar. Samantala, sina Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Social Communications Secretary Reb. Pad. Joselito Jopson, Commission on Youth ng Diyosesis ng Novaliches (COY Nova) Lay Coordinator Marlon PeraltaMarlon Peralta, at Direk De Guzman ang hurado naman ng MMKB.

23376396_1518771688236762_7558786932346248066_n
Sina Reb. Pad. Gilbert Billena (gitna) at ang kanyang mga kasamahan mula sa San Isidro Labrador Parish ang tumanggap sa kanilang premyo matapos maideklarang pinakapanalo para sa MMKB sa Diocesan Culminating Activity on the Year of the Parish as Communion of Communities nitong Nobyembre 11, 2017. (Larawan ni: Annaliza Bruce)

Ang mga kinatawan ng Pastoral Office ng Diyosesis ng Novaliches sa pamamagitan ni Karl Comiling na siyang Assistant to the Vicar General nito; ng SocComm Nova sa pamamagitan ng Lay Coordinator nito na si Minnie Agdeppa at ng St. Maximilian Mary Kolbe Parish Lay Coordinator nito na si Glenn Velasco; at ng BEC NOVA sa pamamagitan ng Lay Coordinator nito na si Joe Mar Maulion at ng Development Officer nito na si Benjamin Custodio II ang naupo para pag-isahin ang boto ng mga Netizens at ng mga hurado.

Inilunsad ang Gawad MMKB at ang GHB bilang pagdiriwang ng Year of the Parish as Communion of Communities, upang mapalaganap ang kahalagahan ng mga BEC sa Diyosesis at parokya, upang ipamalas ang galing at talino ng mga parokyano ng Novaliches, at–sa pamamagitan ng GHB–upang magkaroon ng Diocesan BEC Theme Song. Maglalabas naman ng isang DVD ang BEC Nova at SocComm Nova na naglalaman ng mga nanalong entries para sa Phase 1 at Phase 2 Judging ng MMKB at GHB.

Ang Diocesan Culminating Activity for the Year of the Parish as Communion of Communities ay ginanap naman para opisyal na isara ang mga nilunsad na programa ng BEC Nova para sa nagdaang taon at upang sumahin ang mga natutunan dito.

Naging daan din ito upang magkaroon ng kaalaman sa pagkakaroon ng bagong tema na sakop ng new evangelization program ng CBCP para sa 500th na Anibersaryo ng Kristiyanismo sa bansa–ang Year of the Clergy and Consecrated Life–sa pamamagitan ng Closing Liturgy na nagpakita ng “transition” dito sa pag-abot ng mga kinatawan ng BEC sa mga kinatawan ng mga pari at relihiyoso ng Bibliya at Bahay Kubo.

23517871_1518775001569764_3766660073875233577_n
Ang mga taga-Christ The King Parish, Filinvest 2 kasama ang mga hurado at miyembro ng BEC Nova matapos tanggapin ang kanilang premyo sa pagiging pinakapanalo para sa Gawad Himig Bukluran. (Larawan ni: Annaliza Bruce)
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s